The Website of Friends of San Roque

Gift for You

Home
CONSTITUTION AND BY-LAWS
Complete Information About FOSR
The 7 Patron Saints of FOSR
Sign in GUEST BOOK
San Roque Biography
Prayer to San Roque
Saint Philomena
Music Gallery
About Friends of San Roque
Gift for You
Related Links
We have a wonderful gift just for you..............

a collection of tagalog prayers

sanroquedecaloocan.jpg

Mga Dalit Kay San Roque

Aba matibay na moog

ng taong nagasasalot.

 

Ampunin mo kami’y kupkop

Roqueng kapalara’y puspos.

 

Araw na ipinanganak ka

Sa katawan mo’y nakita

Tandang isang krus na maganda,

Buhay mong banal na sadya.

 

Sa sikmura’y isang krus

Ang ikinintal ng Diyos

 

Ampunin mo kami’y kupkop

Roqueng kapalara’y puspos.

 

Pagkawili mong mataman

Sa reina ng kalangitan

Tanang adhika mong asal,

Siya ang tinutularan.

 

Bata ka pa’y naghahandog

 

Ampunin mo kami’y kupkop

Roqueng kapalara’y puspos.

 

Nang ikaw ay maulila

Binahagi mo pagdaka,

Yamang sa dukhang lahat na

Sa ama’t ina mo’y mana.

 

Alab ng sinta sa Diyos

Ang puso mo’y nalilipos.

 

Ampunin mo kami’y kupkop

Roqueng kapalara’y puspos.

 

Nagdamit kang peregrino

Aduapendente’y tinungo

Doo’y ang natagpuan mo

Namuksang salot sa tao.

 

Kusa kang nakipanggamot,

Nag-alaga sa nasalot.

 

Ampunin mo kami’y kupkop

Roqueng kapalara’y puspos.

 

Ang salot sa iyong harap,

Napapawing agad-agad

Himalang ito’y natatap

Sampong bagsik mo pang lahat.

 

Ang sa ngalan mo’y tumuos

Gumagaling na tibuhos.

 

Ampunin mo kami’y kupkop

Roqueng kapalara’y puspos.

 

Ang sambayanang Cocena

Gayon din ang taga-Roma

Sa iyo’y kinamtan nila

Isang bayaning pagsinta

Ng hirap sa mga salot.

 

Paglipol doon ng salot

Libhang kakilikilabot.

 

Ampunin mo kami’y kupkop

Roqueng kapalara’y puspos.

 

Lalaki, babae’t bata

Nagsisigaling na pawa

Ang Krus kung iyong itala

Sa damit nila’y ilagda.

 

Anila’y anghel kang lubos

Nag-aanyong taong busabos

 

Ampunin mo kami’y kupkop

Roqueng kapalara’y puspos.

 

Ibiniyo ka ng sinta

Na pasa-bayang Placencia,

Pinagaling ang lahat na,

At doo’y nagkasakit ka.

 

Pinaalis ka’t ibinukod

Dahil sa sakit at salot.

 

Ampunin mo kami’y kupkop

Roqueng kapalara’y puspos.

 

Sa tahanan mong dampa,

Diyos, ika’y kinalinga,

Gumaling ka kaipala,

Himalang tantong mistula.

 

May aso na nagdudulot

Kanin mong ikabubusog.

 

Ampunin mo kami’y kupkop

Roqueng kapalara’y puspos.

 

Katawan mong natitigib

Ng madlang pagal at sakit

Ibinilanggo at piniit

Sa bintang at maling isip.

 

Limang taon mong sinayod,

Hirap na kalunos-lunos.

 

Ampunin mo kami’y kupkop

Roqueng kapalara’y puspos.

 

Ngunit ang Diyos na hari

May layong nakahihili,

Pagsubok sa iyong budhi

Lakas namang di ugali.

 

Sa pita’y naging bantayog

Sa biyaya ay nalipos

 

Ampunin mo kami’y kupkop

Roqueng kapalara’y puspos.

 

Nakita sa isang barlaya

Nalilimbag, natatala

Ngalan mo’y pag sinambitla

Ang salot ay nawawala.

 

Nang di kami mangasalot

Ngalan mo’y ibinabantog.

 

Ampunin mo kami’y kupkop

Roqueng kapalara’y puspos.

 

Aba matibay na moog

Ng taong nangangasalot.

 

Ampunin mo kami’y kupkop

Roqueng kapalara’y puspos.

 

Roqueng kapalara’y puspos.

 

V: Ipanalangin mo kami, maluwalhating San Roque,

R: Nang kami’y maging dapat makinabang sa mga pangako ni JesuKristong Panginoon.

 

HULING PANALANGIN

 

O Panginoon kong Diyos, ikaw na nagsugo sa maluwalhating Roque at pinahatiran mo siya ng kaputol na tabla, pinagtibay mo ang pangako sa kanya, upang ang sino mang dapuan ng salot ay hindi maano, sapagkat siya’y deboto sa iyo. Magdalita ka sa aming lahat na gumugunita sa kanyang buhay. Ipagkaloob mo na kami’y maligtas sa salot nanakakamatay sa kaluluwa’t katawan, pakundangan kay JesuKristong Panginoon namin. Siya nawa.

 

 

Panalangin Para Virgen dela Nieva

O Virhen ng mga Virhen, ipahayag mo ngayon sa amin ang iyong kaligtasan sa pamamagitan ng iyong anak na aming panginoon. Noong ika’y nagpakita kay Juan, ika’y humingi ng Pabor upang magpagawa ng simbahan na talaga sa pagsunod sa iyong anak na si Hesus. Ngayon kami po’y humihingi ng pabor Oh Virhen ng mga Virhen na kami’y ihanda ng lugar diyan sa langit naming mahal. Kami’y ilapit sa Amang makapangyarihan sa lahat upang kami’y manirahan sa iyong piling. Amen

virgendelanieva.jpg

lastsupper.jpg
Litanya ng mga Santo

Panginoon maawa ka

Kristo maawa ka

Panginoon maawa ka

Kristo Pakinggan mo kami

Kristo Pakakinggan mo kami

Diyos, Ama ng kalangitan, maawa ka sa amin

Diyos Anak tagapagligtas ng mundo, maawa ka sa amin

Diyos Espiritu Santo, maawa ka sa amin

Santisima Trinidad, iisang Diyos maawa ka sa amin

Santa Maria, +[ipanalangin mo kami]

Santa Ina ng Diyos +

Santang Virhen ng mga Virhen +

San Miquel

San Gabriel

San Rapael

Sa lahat ng banal na anghel at arkanghel

Sa lahat ng banal na orden ng banal na Espiritu

San Jose

San Juan bautista

San Estaban

San Roque

San Judas de Tadeo

San Martin de Porres

San Antonio de Padua

San Fransisco de Asisi

San Prancatio

San Agustin

Santa Rita de Casia

Santa Maria Magdalena

Santa Martha

Santa Teresa

Santa Cecilia

Santa Anastacia

Sa lahat ng mga santo’t banal

Kami’y idalangin

Kristo Pakinggan mo kami

Kristo Pakakinggan mo kami

Panginoon maawa ka

Kristo maawa ka

Panginoon maawa ka